Una sa Balita

Chinese ambassador bilib sa pulis na sinabuyan ng taho

By
0 469

IPINAABOT ni Chinese Ambassador to the Phi­lippines Zhao Jianhua ang paghanga sa pulis na sinabuyan ng taho ng isa nilang kababayan sa Mandaluyong City.

Sa courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, sinabi ni Ambassador Zhao na nakita niya ang video at napahanga siya sa pagiging professional at pagtitimpi ng pulis.

Sinabi ng ambassador na hindi nito kinukunsinti ang inasal ng kanilang mamamayan at iminungkahing panagutin ang mga dayuhang lumalabag sa batas, kasama na ang mga Chinese, gaya ng ginagawa ng kanilang gobyerno na pagpanagot sa mga dayuhang lumalabag din sa kanilang mga batas.

“First, he extended his greeting and commendation to the police officer that was a subject of ‘taho’ throwing. He said he saw the video, and Ambassador Zhao said he was impressed by the professionalism and restraint exhibited by the police officer. And he said that Chinese government does not tolerate this kind of behavior,” bahagi ng pahayag ni Panelo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy