Una sa Balita

Chinchin Basas, nasa dugo ang pagiging volleyball player

By ,
Parang kalapating mataas na lumipad si outside hitter Cherry Ann Rondina para makaiskor laban kay opposite Toni Rose Basas sa Sto. Tomas Golden Tigresses-FEU Lady Tamaraws 79th UAAP women’s volleyball match kahapon sa Mall of Asia Arena. Nasakmal ng UST ang 25-16, 21-25, 26-24, 25-20 win. (Jhay Jalbuna)
0 778

SI Toni Rose Basas o mas kilala bilang Chinchin Basas ay isa ngayon sa pinasikat na volleyball player sa bansa na kasalukuyang naglalaro sa Far Eastern University Lady Tamaraws ng UAAP at Sta. Lucia Lady Realtors sa Philippine Superliga.

Bata pa lang ay nahilig nang maglaro ng volleyball si Chinchin dahil sa impluwensiya na rin ng kanyang mga magulang na kapwa volleyball player.

“Nag-start ako ‘nung grade school at both parents ko ay both volleyball players at dire-diretso na ito hanggang college,” ani Basas.

Noong Invitational Conference ng PSL, nakatakda sanang maglaro si Basas para sa Sta. Lucia Lady Realtors pero hindi ito natuloy dahil nagpaopera ito sa tenga at hindi pa rin aniya sigurado kung makakapag­laro siya sa All-Filipino Cup ng liga.

“Kasi nga nagpaopera ako sa tenga, pinagbawalan ako ng doktor at kung ­papayagan po kami ng school na makapaglaro sa Sta. Lucia kasi may pasok na po ‘yun eh,” dagdag nito.
Ngayon naman, sa Premier Volleyball League Collegiate Conference nakasalang ang kanyang koponan na FEU pero wala siya dito para maglaro.

Sa panayam ng Abante Online kay Basas, sinabi nito na masaya siya sa kanyang koponan na lumalaban kahit wala siya para maglaro kasama nila dahil nagpapagaling pa rin ito.
“Masaya kasi kahit wala ako. Lumalaban pa rin sila tapos alam ko naman na kaya nila,” dagdag nito.