Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

China wapakels sa WPS protest ng ‘Pinas

0 149

Sa likod ng kaliwa’t kanang protesta at pag-iingay ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa mga ikinikilos nito sa South China Sea partikular sa exclusive economic zone ay dedma pa rin ang Beijing.

Para sa China bahagi lamang ng “law enforcement activities” sa South China Sea ang kanilang ginagawa.

Makailang ulit nang inirereklamo ng Pilipinas ang anila patuloy na panggigipit ng Chinese vessels sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, habang ginagawa nito ang maritime patrol sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Naunang sinabi ng Department of Foreign Affairs, na mahigit 200 diplomatic protests ang kanilang isinampa laban sa China dahil sa “unlawful radio challenges, sounding of sirens, and blowing of horns” sa mga nagpapatrolyang Philippine vessels. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.