Una sa Balita

China walang paki sa POGO crackdown

0 258

HINDI umano makikialam ang China sa ginagawang crackdown ng gobyerno laban sa mga illegal Chinese worker na nagtatrabaho sa mga online gaming casino, partikular sa mga kompanyang pinapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa taped interview na isinaere sa DZMM, sinabi ni Pangulong Duterte na naiintindihan ng gobyerno ng China ang ginagawang aksiyon ng gobyerno laban sa mga illegal Chinese worker alinsunod sa ipinatutupad na batas laban sa mga ito.

Ikinuwento nito na sa pagkikita nila ni bagong Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, sinabi ng Chinese ambassador na marapat lang na ipatupad at sundin kung ano ang batas.

“And that if there is a need to deport, arrest, then they’re kee­ping their hands away from all these things. You have [the] prerogative to do what you want to enforce the law. In fairness to Chinese government, they understand,” anang Pangulo.

Matatandaang hiniling ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Duterte na ipatigil ang POGO sa bansa subalit tinabla ito ng Presidente dahil ligal ito sa Pilipinas.

Bawal ang casino sa China kaya sa Pilipinas nag-operate ang mga Chinese businessmen.

Ang problema aniya ay mara­ming Chinese ang ni-recruit at iligal na nagtatrabaho sa bansa sa mga online casino.

Sa pagdami ng mga illegal Chinese worker ay dumami rin ang krimen ng kidnapping for ransom na kagagawan umano ng mga Chinese syndicate at ang iba ay pinapatay ang mga biktima. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More