Una sa Balita

China sunod na biyahe ni PDU30

By
0 116

Next in line na ang biyaheng China ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Oktubre 19 at 21, taong kasalukuyan.

Pero ang biyaheng ito ng Pangulo pa-China ay wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Palasyo ng Malacañang dahil ilang sour­ces lamang mula sa business community at diplomat nggaling ang balita kasabay ng pagbabalik bansa ng Pangulo mula sa dalawang araw na official visit sa Vietnam kahapon.

Sasamahan daw ang Pangulong Duterte ng mahigit sa 20 maimplu­wensyang mga negosyante sa pagbisita sa Beijing.

Pangunahing puntirya sa pagbisita ng Pangulong Duterte ay makadaupang-palan sina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Keqiang.

Bukod sa pakikipagkita sa dalawang mataas na opisyal ng China ay puntirya rin ng pagbisita sa China ng Pangulong Duterte ay ang pangakong palalakasin ang commercial ties ng Pilipinas at China.

Matatandaang kasama ang China sa mga nakalinyang bansang bibisitahin ni Pangulong Duterte ngayong taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy