Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

China sinisi holiday sa Omicron sirit

0 58

Naniniwala ang mga awtoridad sa China na sumirit ang Omicron variant sa port city ng Tianjin dahil sa pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Base sa mga health authority sa China, nagsimulang sumirit ang mga kaso ng tinamaan ng Omicron variant sa Tianjin.

Lumabas umano sa contact tracing na may mga batang nagtungo sa mga day care facility noong holiday at nahawa ng virus. Ku­malat naman ang virus sa mga eskuwelahan nang pumasok na sila noong Enero 4 at dito nagsimula ang hawaan.

Tiniyak naman ni Deputy Director Zhang Ying ng Tianjin Center of Disease Control and Prevention na kontrolado nila ang sitwasyon dahil nakalatag na ang mga kaukulang hakbang para dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.