Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

China pinalalayas ‘Pinas sa Ayungin Shoal

0 50

Hindi nagpatinag ang Pilipinas sa Beijing at binuweltahan nito ang demand ng China na alisin ang BRP Sierra Madre na nakatenga sa Ayungin Shoal.

Giit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang China at hindi ang Pilipinas ang trespassing sa lugar.

Aniya, may sovereign rights ang Pilipinas sa Ayungin Shoal kaya’t hindi sila kikilos kaugnay sa nakatenggang barko ng Pilipinas.

“China should abide by its international obligations that it is part of,” paalala nito sa China.

Sinabi pa ni Lorenzana na kung siya ang tatanungin wala namang kasunduan ang Pilipinas at China na alisin ang barko, na naroon pa noong 1999.

Naunang sinabi ng Chinese foreign ministry sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Zhao Lijian, na dapat nang alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang BRP Sierra Madre ay isang lumang Navy ship na nagsisilbing Philippine outpost sa lugar mula pa 1999.

Kinontra rin nina Senadora Grace Poe at Senador Joel Villanueva ang panawagan ng China alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Poe, ang Ayungin Shoal ay pag-aari ng Pilipinas at puwede diktahan ng China ang gobyerno na alisin anumang barkong naka-istasyon doon. (Kiko Cueto/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.