Una sa Balita

China negosyo lang ang habol sa NGCP — Duterte

0 360

Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agam-agam ng publiko sa posibilidad na putulin ng China ang supply ng kuryente sa bansa.

Ang China ay kapartner ng Pilipinas sa operas­yon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at nangangamba ang ilang grupo­ na maaaring gumawa ng hakbang ang China sakaling may mga aksiyong hindi nagustuhan sa gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Duterte na maganda ang partnership ng gobyerno sa China bukod pa sa magkaibigan ang dalawang bansa kaya walang dahilan para gumawa ng hakbang na ikasisira ng magandang ugnayan.

“Ang China tumutulong lang, nagmagandang loob kasi gusto rin nila yung may kakampi sila, kasi puro kakampi ng Amerikano eh,” anang Pangulo.
Sinabi ng Presidente na maliit ang posibili­dad na i-shut down ng China ang power supply ng bansa.

“Sabihin ko sa China, ‘look China, we’re friends. We’re doing business. You want money, we want money. It produces money for both of us. Now, do you intend to cut it down? And for what reason? Its about a million miles away possibility,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na madali lang i-shut down ng China ang power transmission grid ng bansa at maari itong gawin sa pamamagitan ng isang pindot lang dahil digital na ang teknolohiyang ginagamit sa pagpapatakbo sa power grids.

Agad namang nagbigay ng pahayag ang China Foreign Ministry na walang batayan ang panga­mba ng mga Pilipino dahil ang state grid corporation ng China ay maliit na bahagi lamang sa National Transmission Commission project bilang cooperation partner. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy