Una sa Balita

China naungusan ng US sa dami ng COVID-19 positive

0 456

NEW YORK – Nakapagtala ngayong araw, Marso 26 ng pinakamaraming bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus ang Estados Unidos.

Sa bilang na inilabas ng U.S. COVID19 Task Force, 237 namatay ngayong araw sa buong Amerika habang mahigit sa 83,000 na kasong naitala.

Dahil dito nalagpasan na ng Estados Unidos ang China sa may pinakamaraming kaso ng COVID 19 sa buong mundo.

Batay sa monitoring ng COVID19 Global Cases by Center for System Science and Engineering ng Johns Hopkins University, meron ng 83,507 cases ang US habang 81,782 naman ang China kung saan nag mula ang virus.

Pumangatlo dito ang italy na may 80,589 na kasi ng coronavirus.

Nasa 45 na pwesto naman ang Pilipinas na may mahigit sa 7,000 kaso.

Ang bansang Italy naman ang nangunguna sa may pinaka maraming bilang ng mga namatay na mahigit 8,200 Sinundan ito ng Spain na may mahigit sa 4,000, China mahigit sa 3,000 U.S.A. mahigit 1,200.

Ayon sa World Health Organization tataas pa ang bilang na ito sa mga susunod na araw dahil dahil wala paring humpay ang dagsa ng mga nagkakaroon ng infection sa bat-ibang hospital sa buong mundo.
(Dave Llavanes Jr.)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More