Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

China nagpakawala ng mga missile sa South China Sea

0 148

Bilang babala sa Amerika, nagpakawala ng dalawang missile sa South China Sea (SCS) noong Miyerkoles ng umaga ang Chinese military.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, isang source mula sa Chinese military ang nagsabing isa sa missile ay “aircraft-killer” weapon na pinakawalan sa isang lugar sa pagitan ng Hainan province at Paracel Islands.

Bahagi ang Paracel Islands ng pinag-aagawan ng ilang bansa na SCS kabilang na ang Pilipinas at Vietnam.

Nangyari ang pagpapakawala ng mga missile matapos iulat ng Chinese government na isang US U-2 spy plane ang pumasok sa no-fly zone nang walang permiso habang nagsasagawa sila ng live-fire naval drill sa Bohai Sea.

Isa sa mga missile na DF-26B ay pinakawalan mula sa Qinghai habang ang DF-21D ay nanggaling sa Zhejiang province.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.