Una sa Balita

China landslide: 141 nawawala

By
0 0

May 141 katao ang nawawala at pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong lupa sa Sichuan province sa southwestern China.

Sa inisyal na ulat ,nabatid na may 40 tahanan rin ang nasira sa Xinmo village, Maoxian country, matapos gumuho ang isang bahagi ng bundok dito.

Patuloy naman ang isinasagawang search at rescue operation ng mga awtoridad para mahanap ang mga nawawalang biktima ng ‘landslide’.

Abante Hiring – IT dep

Kasama rin na natabunan ng mga gumuhong lupa mula sa bundok ang halos dalawang kilometro ng isang ilog malapit sa lugar kung saan gumuho ang lupa.