Una sa Balita

China itinerary ni PDU30

By ,
0 197

Hindi na kailangan pang putulin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 4-day state visit niya sa bansang China para lamang mabantayan ang preparasyon ng gobyerno sa pananalasa ng super typhoon “Lawin” sa bahagi ng Northern Luzon, ayon sa dalawang senador.

“Hindi na. National disaster council na bahala. He can monitor and give instructions while abroad. Hi-tech na ngayon,” depensa ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Dumating si Pangulong Duterte sa China nitong Martes ng gabi matapos ang state visit sa Brunei.

Ipinaliwanag naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri na nakalatag na ang schedule para sa apat na araw na state visit ng Pangulo kung kaya’t hindi makabubuti sa relasyon ng Pilipinas at China na putulin ito para lang makapiling ng Pangulo ang mamamayan sa paghambalos ng bagyong Lawin.

“Napakahirap at this point in time na hintuin ‘yung planned activities. State visit iyan, lahat ng araw ng Presidente dun may katumbas na high-level meetings. Napakahirap naman na palitan dahil sa bagyo,” rason ni Zubiri.

Dagdag pa ni Zubiri, maaaring mainsulto ang China kapag pinutol ni Pangulong Duterte ang state visit para lamang madamayan ang mga Pilipinong hahambalusin ng super typhoon.

Samantala, nakalinya na ang iba’t ibang mga aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit sa China.

Si Pangulong Duterte ay dumating na noong Oktubre 18 sa Beijing, China matapos ang tatlong araw namang state visit sa Brunei.

Sinalubong si Pangulong Duterte sa kanyang pagdating sa China ng ilang Chinese at Philippine officials sa pangu­nguna nina Chinese Foreign Minister Wang Yi, Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at Chargé d’Affaires of the Philippine Embassy Elizabeth Te.

Ngayong araw, Huwebes naman ang nakatakdang bilateral meeting ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Great Hall of the People.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy