Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

China inakusahang nasa likod ng `Microsoft hacking’

0 201

Inakusahan ng bansang Amerika at iba pa nitong kaalyado sa Europa ang China na nasa likod ng massive hacking sa email system ng Microsoft at iba pang ransomware attacks.

Nabatid na inginuso ng US at ilan pang mga bansa sa Europa at Asya ang China Ministry of State Security na sinasabing gumagamit ng criminal contract hackers para makapaglatag umano ng destabilizing activities sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bukod dito ay sinasabing ang China rin ang nasa likod ng ransomware attack laban sa US, na tinukoy ng isang senior administration officials na `large ransom request.’

Kaugnay nito’y sinabi ni US President Joe Biden na hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ay hindi pa sila gagawa ng aksyon laban sa China.

Leave A Reply

Your email address will not be published.