Una sa Balita

China gumanti: Dating Canadian diplomat dinampot

0 505

ISANG dating diplomat ng Canada ang dinampot at ikinulong sa China bilang ganti sa ginawang pag-aresto at pag-detain sa chief financial officer ng telecom giant Huawei na si Sabrina Meng Wanzhou.

Sa isang statement nitong Martes, kinumpirma ng International Crisis Group (ICG) ang pagkulong kay North East Asia Senior Advi­ser Michael Kovrig.

Si Kovrig ay nasa unpaid leave of absence kaya’t umiiral pa rin ang kanyang ‘diplomatic status’ subalit binalewala ito ng China nang siya ay idinetine noong Lunes ng gabi.

Kaugnay nito, nagpiyansa naman ng 10 milyong Canadian dollar si Meng matapos payagan ng judge ang petisyon ng Huawei executive. Gayunman, ipinasurender ang kanyang pasaporte, pinalagyan ng GPS ankle bracelet, pinaako ang gastos sa mga taong magbabantay sa kanya at maninirahan lang ito sa kanyang bahay sa Vancouver.

Nagpahiwatig ­naman si US President Donald Trump na maaaring mamagitan ito sa kaso ni Meng upang magkaroon ng alas sa trade negotiation sa China.

Inaresto si Meng dahil sa alegasyon na nagbebenta ito ng produkto sa Iran na isang paglabag sa ipinaiiral na sanction ng US sa nasabing bansa.