Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

China, Germany nagbigay ng COVID bakuna sa PH

0 130

Magpapadala ang China ng isang milyon pang Sinovac vaccine na kanilang donasyon sa Pilipinas sa susunod na linggo, ayon sa pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian kahapon.

“I hope the vaccines will further facilitate the ongoing vaccination rollout and promote early economic and social recovery in the Philippines,” sabi ni Huang.

Sinovac ang bumubuo sa pinakamalaking porsiyento ng mga bakuna sa bansa.

Ayon kay Huang, inaasahang darating sa bansa ang panibagong donasyon na bakuna sa susunod na linggo.

Samantala, may parating din na 844,000 bakuna ng AstraZeneca na donasyon naman ng Germany sa pamamagitan ng COVAX facility.

Nakatakda itong dumating sa Oktubre 15.

Batay sa huling datos ng pamahalaan, umabot na sa 23 milyong Pilipino ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.