Una sa Balita

Chile umuga

By
0 2

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bansang Chile, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Natukoy ng USGS ang lakas ng lindol sa pamamagitan ng Richter scale na ang sentro ay nasa Chilean coast.

May lalim itong 115 kilometro at nasa layong 157 kilometro ng silangan ng Iquique, ang port city sa rehiyon ng Tarapaca sa northern Chile.

Wala pang naiuulat na may nasawi o nasaktan sa nasabing paglindol at kung may mga nasirang bahay o gusali.

Sinasabing ang Chile ay nasa Pacific Ring of Fire kung saan 90% na malalakas na lindol ang naitatala rito.

Taong 2010 nang tumama sa Chile ang ­magnitude 8.8 na lindol na ikinasawi ng ­daan-daang katao dahil sa tsunami.