Una sa Balita

Children’s Games, PNG, Batang Pinoy palalakasin

0 346

MAS palalakasin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga pangunahin nitong grassroots sports development program na Children’s Games, Batang Pinoy at Philippine National Games upang mabigyan ng direksiyon ang mga kabataan at masuportahan ang mga pambansang koponan.

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na naka­hanay sa lamesa ng ahensiya ang direksyon ng sports sa bansa na kinakailangan nitong mapunan bago maisagawa ang inaasahan na magiging bahay ng mga madidiskubre na kabataan na National Center for Philippine Sports sa Clark.

“Nasa pipeline na lahat ang magiging direksyon ng ating grassroots sports. Kailangan na lang natin na ituon ang pagbibigay atensiyon ng mga kabataan natin para mafocus sila sa mga values na matutunan sa sports,” sabi ni Ramirez.

Ang Children’s Games ay isang proyekto ng ahensiya na kinikilala ng UNICEF at naka­tuon sa pagtuturo ng sports sa mga hindi naaabot na lugar sa bansa at partikular na hangad parehas na maturuan ang iba’t ibang mga tribu, indigenous group pati na ang mga cultural at religious community. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More