Una sa Balita

Child Labor

By
0 2,202

Noong nakaraang linggo, nasagip po ang limang menor-de-edad mula sa isang itikan sa San Luis, Pampanga kung saan sila pinagtatrabaho sa mapanganib na kondisyon.

Ang masaklap, may pahintulot daw po ng mga magulang ang iligal na pagtatrabaho ng mga batang nasagip.

Dahil malinaw na mga ‘child laborer’ ang dinatnan ng mga pulis sa Pampanga, nahaharap po ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking Law at Child Abuse Law ang negos­yanteng nagmamay-ari ng itikan.

Mahigpit pong pinagbabawal ng Republic Act 9231 ang anumang uri ng pagtatrabaho ng mga batang edad 15 taong gulang pababa. Hindi po saklaw ng batas ang mga batang nagtatrabaho habang nasa pagkalinga ng kanilang magulang.

Labas din po sa prohibisyon ang mga batang nagtatrabaho para sa telebisyon o pelikula basta’t may kaukulang permit mula sa DOLE at hindi lalampas sa 20 oras kada linggo o 4 na oras kada araw ang child’s work.

Maaaring magmulta ng halagang mula P100,000 hanggang isang milyong piso o pagkakakulong ng hindi bababa sa 12 taon hanggang 20 taon ang mga lalabag sa batas.

Ayon sa datos, mahi­git 2.1 milyon po ang mga child laborer sa bansa. Sa bilang na ito, 98 porsiyento ang nasa mapanganib o hazardous na mga gawain o kondisyon.

Napakalaki po ng bilang na ito kaya’t nanawagan tayo sa DOLE na paigtingin pa ang visitorial powers nito upang maisalba ang mga batang manggagawa lalo na sa mga minahan, pabrika, construction, negosyong agrikultural at pyrotechnics.

Ang magandang ba­lita, sinimulan na po ng DOLE ang profiling ng mga child laborer sa mga barangay at nagdagdag na rin ng 100 interns kada rehiyon sa ilalim ng ating Government Internship Program para tumutok dito. Malaking hakbang po ito para masagip ang mga batang manggagawa.

Dapat po itong ga­wing prayoridad ng gobyerno sapagkat nakasaad sa ating Philippine Development Plan na kailangang mabawasan ng 630,000 ang kasalukuyang bilang ng child laborer sa bansa sa taong 2022.

Magsusumite rin po tayo ng panukalang batas sa Senado bilang pagsusog sa RA 9231. Luma­labas sa ating pag-aaral at mga konsultasyon na kailangang mas bigatan ang nauukol o kaugnay na parusa at multa sa mga lalabag sa batas para lutasin ang lumala­lang sitwasyon ng child labor sa bansa.

Samantala, titiyakin po nating may sapat na pondo ang DepEd at TESDA para maibalik sa eskuwelahan o alternative learning system ang masasalbang mga child laborer.

Job Fair Schedule
DepEd Job Fair
Provincial Capitol Gymnasium
Amas, Kidapawan City
April 16-18
PESO Bacolod City Job Fair
Robinson’s Place Bacolod City
April 16
University of Minda­nao – Digos College Job Fair
Jose Abad Santos St., Digos City
April 17
PESO San Fernando Job Fair
CSI – The City Mall, San Fernando, La Union
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)