Una sa Balita

‘Child for sale’ ang raket ng magdyowa

0 239

HI to everyone po. May mga tao po palang parang produkto sa palengke kung ituring ang mga anak. Sorry to say that pero dito po kasi sa amin sa ­Pampanga ay mayroon akong kapitbahay na parang inahing baboy.

Kung ilang beses na kasing nanganak pero wala namang naiiwan sa kanya para arugain. Let’s just call her Becky. Nagtatrabaho siya sa isang club as GRO. Tingin ko po ay nasa mid 20’s na itong si Becky na todo kung rumampa sa gabi.

Napapahinga lang ito sa club kapag nabubuntis, kapag halata na ang tiyan niya. May live-in ­partner siya na isang delivery truck driver na ­nagtatrabaho sa Pier. May edad na ‘yung lalaki pero ­tanggap ang trabaho ni Becky na sumasama sa mga ­lalaki sa ­labas. Ang nakaka­gulat ay magkasabwat sila sa pagbe-benta ng sanggol. Opo, inaalok nila sa mga mag-asawang hindi binibiyayaan ng anak.

Nalaman ko lang po ang tungkol du’n mula sa isa pa naming kapitbahay.

Mga tatlong beses ko na rin sigurong nakitang lumobo ang tiyan ni Becky.

Depensa nila, pinapaalaga sa nila probinsya. Nabuking lang ang tungkol sa bentahan nang may makapagkuwento sa isa naming kapitbahay na ­nabentahan daw sila ng sanggol worth P10K. Ewan ko lang po baka isang araw ay lumipat na rin ng ­bahay ang magka-live-in na ‘yun dahil ­nakakahalata na yata na pinag-uusapan na sila. ­Nangungupahan lang naman sila. Hindi naman daw mausisa sa ­buhay-buhay ‘yung caretaker sa bahay na susulpot lang doon kapag singilan kaya walang kaalam-alam ‘yun sa istorya ng tenant nila.

Thanks sa pagbibigay-daan sa aking tsika,
Jasmin of Lubao, Pampanga

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy