Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chika ni Gretchen: ‘Bato tumatalpak din’

0 566

“The truth will come out, Bato. Soon.”

‘Yan ang hirit ni Gretchen Barretto kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, na isa sa mga nakatutok sa imbestigasyon ng pagkawala ng lampas 30 sabungero.

Sa Instagram story ni Gretchen, na kilalang kaibigan ng bilyonaryong sabungero na si Atong Ang, tila nainis ito kay Bato at sinabing itigil na raw ng senador ang ‘grandstanding’.

“Get down to business, Bato. Stop grandstanding, just get down to the investigation,” mensahe ni Gretchen kay Bato.

Bukod pa diyan, napansin din ni Gretchen ang suot na relos ng mambabatas, na mamahalin daw ang presyo.

“Ang mahal ng relo ni Bato, saan kaya nanggaling ‘yan. My god, a senator has that watch!” wika ni Barretto.

Patama pa ni Gretchen, maging si Bato raw ay parokyano ng sabong, at may balanse pa raw ang mambabatas sa isang Kate Villalon.

“Tumatalpak din kasi tong Bato na ‘to eh. Bato, ilabas natin yung mga talpak mo kaya,” lantad ni Gretchen.

Wala pa namang sagot si Bato sa mga akusasyon ng socialite. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.