Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chika ng singer/TV host : Sarah pumanig kina Lacson, Sotto?

0 375

Bagamat walang inendorsong kandidato si Sarah Geronimo at kahit pini-pressure ng marami na dapat ay manindigan at lumantad sa sinusuportahan niyang kandidato, nanatiling tahimik ang misis Matteo Guidicelli!

Pero sa araw ng eleksiyon, isang malapit na tao kay Sarah ang nagkuwento na diumano ay si Ping Lacson ang binoto ng mahusay na singer.

Isang singer/TV host na naging visible sa kampanya nina Ping at Tito Sotto ang nagkuwento umano na yun na nga ang tandem nina Lacson at Sotto ang binoto.

Well usap usapan pa lang naman ito at mahirap kumpirmahin dahil hindi nga naglantad si Sarah ng tunay niyang kulay.
Hindi tulad ni Barbie Forteza na nagsabi na si Lacson ang presidente niya.

Ano kaya ang masasabi ng mga maka-Sarah!? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.