Una sa Balita

Chienna nagpa-‘vulcanize’ ng boobs

0 442

Maraming fan ang hindi pa maka-get over sa kanilang mga paboritong artista sa naganap na ABS-CBN Ball.

Isa nga sa pinag-usapan at napag-tripan ay ang awra ni Girltrend Chienna Filomeno kung saan pinagkumpara pa ang hitsura nito mula sa nakaraang ball at sa naging pasabog nito sa naturang kaganapan ngayong taon.

Karamihan sa mga natanggap ng dancer-actress na feedback tungkol sa kanyang outfit ay pinupuntirya ang kanyang cleavage na kesyo “ipit na ipit” o ‘di kaya ay “pinilit”, at medyo harsh na rin ang iba pang natatanggap na komento ng aktres.

Hindi na nakapagtimpi at agad na pumalag si Chienna sa pamamagitan ng paglalahad ng kanyang damdamin sa Twitter.

“Problemahin niyo problema niyo. Wag boobs ko. Pakealamero’t pakealmera na walang-wala sa lugar. Mas nakakalungkot kasi kapwa mo pa babae yung mas marami sinasabi. Curious ka? Oo sobrang nakakahinga ako, wag ka mag-alala. Nagpa-vulcanize lang, mahihimatay agad? OA niyo!” gigil na tugon ng aktres. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy