Una sa Balita

Chief of staff ng mambabatas sa Bicol, patay sa COVID-19

0 835

Isa pang kawani ng Kamara pumanaw nitong Sabado, Marso 21 matapos dapuan ng COVID-19.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni House secretary-general Atty. Jose Luis Montale ang pagpanaw ng isa pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos itong ma-ospital ng walong araw sa St. Luke’s Medical Center sa Lungsod ng Quezon.

Ayon kay Montales, ang nasabing kawani na pumanaw ay walang ano mang rekord ng byahe sa ibayong dagat na may kaso din ng local transmission ng COVID-19 o nakisalamuha sa taong nag-positibo sa nasabing nakamamatay na sakit.

“He attended a garden wedding in Cavite on March 7. The following day, he started having dry cough. His fever persisted,” dagdag pa ng opisyal ng Kamara.

Paliwanag ni Montales, ang nasabing 65-anyos na congressional staff ay unang nag tungo sa St. Luke’s noong Marso 10 matapos magka-sinat subalit agad ding pinauwi matapos mag-negatibo sa mga inisyal na pag-susuri.

Muling bumalik ang nasabing pumanaw na empleyado sa pareho rin ospital noong Marso 13 dahil sa lumalala nitong ubo noong mga panahon na iyon.

“He was placed in an isolation room and thereafter admitted to the critical care unit and intubated,” giit ni Montales.

Pagsapit ng Marso 15, inilipat na ang nasabing congressional staff sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s at itinuring ng Person Under Investigation (PUI) at isinailalim sa pagsusuri para COVID-19.

Huli na ng lumabas umano ang resulta na positibo nga sa COVID-19 ang pasyente dahil pumanaw na ito nitong Sabado ng umaga.

Ang pumanaw na 65-anyos na congressional employee ay nagtatrabaho bilang chief-of-staff ng isang kongresista mula sa Bicol region.

Noong Marso 17, isa ring kawani ng House printing service department ay namatay dahil sa COVID-19. (JC Cahinhinan)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More