Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chicharon, suka puhunan: Estudyante nagka-diploma

0 33

Hindi nawalan ng pag-asa ang isang mag-aaral sa Laguna na namatayan ng lola at maiwang mag-isa sa buhay.

Viral online ang kuwento ng tagumpay ni Jemaima Joy Salas, 25, isang Bachelor of Science in Entrepreneurship student sa Laguna University.

Ito’y matapos niyang mag-post ng graduation photo hawak ang mga paninda niyang naging kasangga upang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Makikita sa larawan na may hawak siyang mani, fish cracker at chicharon at isang bote ng suka habang nakasuot ng toga.

Ayon kay Salas, nagsimula siyang magtinda ng mga mani, fish cracker at chicharon nang mag-aral siya sa kolehiyo dahil hindi sapat ang kita ng kanyang lola.

Sa kasamaang-palad ay namatay ang kanyang lola pero hindi ito naging hadlang para huminto sa pag-aaral.

Lubos naman ang pasasalamat niya sa kanyang mga professor at kapwa estudyante na tinangkilik ang mga paninda niya.

Nagbunga ang kanyang sipag at sa July 2 ay matatanggap na niya ang inaasam na college diploma.

Kaya payo niya sa mga kabataang nangangarap: “Walang imposible!” (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.