Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chiara, China joke ni Vice benta sa mga fan

0 91

Natawa at ni-repost ng GMA News Reporter na si Mark Zambrano ang naging hirit ni Vice Ganda sa It’s Showtime tungkol sa kanyang kapatid na si Chiara Zambrano.

Tinanong kasi ni Vice si Vhong na, “Who discovered China?” Sinagot ito ni Vhong na, “hindi ko alam”, At saka inihirit ni Vice na, “Si Chiara Zambrano!”

“Si Chiara Zambrano ang naka-discover na ang China pala ay malapit sa Palawan. Sila ang nakakita.”

Ito ang pangyayari na kunsaan, pinagtabuyan si Chiara at ang team niya ng mga Chinese. Benta nga sa mga fan ang joke na `yon ni Vice.

Halatang proud si Mark at caption nito sa pagkakabanggit ni Vice sa kapatid, “Ka-level na ng kapatid ko si Magellan! Hahaha!”

At dahil din sa post na ito ni Mark, ang daming nagulat at noon lang nalaman na magkapatid pala ang dalawa at pareho halos ng trabaho pero sa magkaibang networks.

Barbie gusto nang mapangasawa si Jak

Kay Barbie Forteza na mismo nanggaling na gusto na niyang grumadweyt sa mga pa-tweetums na role.

“Well, para sa akin, it would be very challenging kung ang ganitong klaseng material ay magiging pang-full-length, pang-mahabaang teleserye. Siyempre, kailangan naka-kondisyon ako, ganyan… pero, I would always love a challenge.

“Pero when I say that I am willing to accept more mature roles, I’m not saying na sexy. Kasi, kapag sinabing mature, yun agad ang iniisip nila. It’s more on how I play the character. Enough of the teeny-bopper, siguro naman, kumota na ko ro’n,” sey niya.

Pero, ayaw naman daw niyang pangunahan ang network. Kung ano raw ang ibibigay sa kanya, 100% niyang tatanggapin.

Sa isang banda, kahit sa personal na aspeto ng buhay ni Barbie, obvious na rin na iba na ang mindset niya. Maging sa relasyon na meron siya sa boyfriend na si Jak Roberto.

SM food to go Banner Ad

In fact, hindi niya kinaila na may mga time na napag-uusapan din nila ang kasal. Para kay Barbie, si Jak na ang nakikita niyang husband material talaga.

“Wala na po kasi akong nakikitang rason kung bakit hindi siya. Siguro pinansiyal na lang po ang problema at saka, right timing.

“Budget na lang at right timing. Hahaha!” sabi niya.

Muli ngang mapapanood si Barbie sa GMA Telebabad, gayundin sa GTV at Heart of Asia Channel simula April 19 ng gabi hanggang sa Biyernes.

Bida si Barbie sa “I Can See You: The Lookout”, kasama sina Paul Salas, at Christopher de Leon.

Dawn, Vhong naawa sa Kapamilya star

Nakakatulong nga kay JM de Guzman ang pagiging open niya ngayon. He’s so into social media, like Instagram at kapag may pinagdadaanan ito, madalas ay naisi-share niya.

Open book naman ang mga nangyari at pinagdaanan niya, ilang beses siya na-rehab pero ngayon, matagal na rin na mukhang nama-manage ni JM lalo na kung may depression siyang pinagdadaanan.

Sa latest IG post nga niya, ibinahagi niya ang nararamdaman niyang panic attack at nag-video ito kung ano mismo ang nangyayari sa kanya.

Napakarami namang kapwa celebrity ni JM ang nag-comment at nagpalakas ng loob ng actor.

“This is powerful bro! A lot of people don’t realize how this works. Stay strong bro and thanks for being strong enough to share this,” sabi ni Rocco Nacino.

“Poor JM… Holding you in my prayers. Keep strong,” sabi ni Dawn Zulueta.

“Kuys dito lang ako pag gusto mo ng makakausap!” sabi ni Vhong Navarro.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.