Una sa Balita

Chess whiz keber sa cp, socmed!

0 839

Ni Janiel Abby Toralba

KARAMIHAN sa mga kabataan ngayon, cellphone at social media ang pinagkakaabalahan.

Iba si Asian Youth Under-18 chess champion John Marvin Miciano.

Hindi nakahiligan ng 18-taong gulang na chesser ang usong-uso sa mga kaedad niyang pagkalikot sa cellphone at pag-surf sa internet, partikular sa social media

Mas gusto pang gugulin ni pambato ng Davao ang paglalaro at pagpapakadalubhasa sa larangan ng chess.

Labing-anim na taon lamang si Miciano nang makamit niya ang National Master (NM) title at sa sumunod na taon naman nang masungkit niya ang FIDE Master (FM) at International Master (IM) titles.

Pokus ngayon si Miciano para makuha niya ang Grandmaster (GM) title na target niyang makuha sa sunod na dalawang taon.

Mindset ni Miciano tuwing sasabak sa chess ang kanyang best moves upang hindi magkamali sa laban.

Para sa kanya “quality over quantity” ang mas hangad niya kapag naglalaro.
Kuwento pa nito, huwag maiinis sa gitna ng tournament at huwag mainis sa kalaban kung patabla-tabla lang ang daloy ng laban.

Pero bukod sa chess, nakahiligan rin dati ni Miciano ang swimming.

Hangad din nito na matapos ang kanyang pag-aaral habang isinasabay ang kanyang pagla­laro ng chess.

Puspusan na rin paghahanda ni Miciano sa FIDE Asian Zone 3.3 Championships simu­la ngayong araw, Abril 6 hanggang 16 sa Ulaanbaatar, Mongolia at gagawin nito ang kanyang best upang manalo.(VEduarte)

***
q&a

Abante: Ano pa ang mga goal na gusto mong ma-achieve?
Miciano: ‘Yung next goal ko po ay makakuha po ng GM norms at makamit ang 2500 FIDE rating para maging ‘yung titulo ko ay ma­ging Grandmaster na po. At the age of 20 years old po, makamit ko na ‘yung requirements ko para maging Grandmaster po.
Abante: Ano ang maasahan ng bansa sa iyo in the next few years na paglalaro mo ng chess?
Miciano: Mahigpit po ‘yung competition dahil mas marami pong mas malakas na mga kalaban sa ibang bansa, ma-meet ko lang po ‘yung experience at tsaka makuha ‘yung tatlong GM norms at 2500 rating na requirement para maging GM.
Abante: Paano mo hihikayatin ang mga bata na piliin ang chess kaysa active sports?
Miciano: Gawin sana, ‘yung parang sa school, puwedeng bigyan ng chess. Meron namang clubs pero hindi talaga, ayaw ng mga bata dahil parang hindi aktibo po. Dahil ang chess po kasi nagbibigay po ‘yan ng intelligence kung mag-aral ka po nang husto. Kaya kung sa school, makatulong din po ‘yan sa school activities kung dagdagan ‘yung chess po.

CAREER HIGHTS

(MASTER)

2018
International Master (IM) title
Asian Youth Under-18 champion
Chang Mai, Thailand

2017
FIDE Master (FM) title
Penang Heritage City
International Chess Open
Malaysia

2016
National Master (NM) title
Philippine International
Open Challenger
Division, Subic Bay

***

CHAMPION

2018
Asian Youth
Championship
Thailand

2017
National Junior Championship
Malate, Manila

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy