Una sa Balita

Chess, baseball sa TOPS ‘Usapang Sports’

0 186

SENTRO ng balitaktakan ngayon ng “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ang chess at baseball sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Inimbitahan para magbigay ng kanilang pananaw sa katayuan ng chess at sa pagsabak ng National Team sa 17th Asian Continental Chess Championships (2nd ­Manny Pacquiao Cup) sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero “Butch” Pichay, Asia’s first GM Eugene Torre at GM Jayson Gonzales.

Nakatakda ang torneo sa Dis. 9-19 sa Tiara Hotel sa Makati na tatampukan ng mga chess masters mula sa 16 bansa at magsisilbing qualifying para sa World Chess Cup 2019 sa Khanty-Mansyisk, Russia.

Sasandigan ang Team Phi­lippines nina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Joey Antonio, IMs Jan Emmanuel Garcia, Haridas Pascua, Marvin Miciano, Paolo Bersamina at bagong ASEAN seniors champion Chito Garma sa men’s division, gayundin si WGM Janelle Mae Frayna sa women’s class.

Magbibigay din ng kanilang mensahe ang bagong UAAP junior baseball champion Ateneo de Manila, sa pangunguna ni sports director Randy Dizer.  Winalis ng Ateneo ang National University, 2-0, sa best-of-three series sa Rizal Memorial Sports Stadium.

Nakatakda ang programa, suportado ng National Press Club, sa pamumuno ni Rolando ‘Lakay’ Gonzalo, ganap na alas-10:00 ng umaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy