Una sa Balita

Cherry Bomb!

0 249

Easy kay Sisi, nakauna ang UST

By Fergus Josue,­ Jr.

NASUNGKIT ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang Game 1 ng best-of-three Finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball nang walisin nito ang Ateneo de Manila University Lady Eagles 25-17, 25-16, 25-20 Sabado, Mayo 11, sa Smart Araneta Coliseum.

Ito rin ang unang­ pagkakataon na napabagsak ng UST ang Ateneo matapos ang 15 consecutive losses mula pa noong Season 74 taong 2012.

Bumulusok si season MVP Sisi Rondina, tinaguriang ‘Cherry Bomb’, sa ikinamadang 23 points, sa likod ng 20 attacks, dalawang blocks at isang ace. Kasahog ang 12 excellent digs habang may 11 markers si Rookie of the Year Eya Laure at tig-anim na puntos sina Ysa Jimenez at Alina Bicar.

“Una magandang moral ito para sa mga bata. Sabi nga sa history medyo matagal na (hindi nanalo) pero hindi ko na masyadong dinidiin ‘yung regarding­ dun kasi ang importan­te sa amin, play at the present kami,” sabi ni coach Kungfu Reyes.

Nanggulat ang mga taga-España nang tapatan ang tangkad at liksi ng mga taga-Katipunan sa pagsasabwatan nina Rondina at Laure sa opensa at sa depensa.

Nagawa pang kumapit­ sa third set ng Ateneo at naibaba sa isa, 20-21, ang kalamangan ng UST sa tulong ng back row attack ni Kat Tolentino pero sinawata ito ng Golden Tigresses at isinelyo ang laban 25-20.

“Magce-celebrate kami ngayong araw na ito dahil nanalo pero pagbalik namin ng Monday back to drawing board kami na parang walang nangyari,” dagdag ni Reyes.

Tanging si Kat Tolentino lang ang nagtapos ng double figures sa Ateneo sa kanyang 12 points.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy