Una sa Balita

Cherie tinik sa dibdib nina Mikee-Mikoy

By
0 20

Hindi pa man direktang tinutukoy, sure kami na ang pinapalabas na teaser ngayon sa GMA na may magical look ay tungkol sa upcoming show na Sirkus na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales.

Ano kaya ang pakiramdam ng dalawa na no less than Ms. Cherie Gil ang magiging tinik sa kanilang buhay sa nasabing family-oriented fantasy series?

Mukhang big production ang bagong Kapuso show na ito dahil teaser pa lang ay naka­kabilib na! High quality ang ani­mation, at very glossy tignan!

Abante Hiring – IT dep

Talagang exciting ang mga magi­ging palabas ng GMA Network sa pagpasok ng taon, ha!

Barbie at Derrick bongga ang harutan sa Italy

Nagsimula na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa shooting ng upcoming film nilang Almost A Love Story.

Magkasamang lumipad pa­puntang Italy ang dalawa para sa kanilang balik-tambalan.

Sa post ni Barbie sa Instagram, ipinaramdam niyang na-miss niyang makatrabaho si Derrick kaya inaabangan ang kanilang che­mistry dahil kilalang matalik na magkaibigan ang dalawa.

Solid pa rin ang barkada ng Tween stars, kaya kabisado na nilang pareho ang ugali ng isa’t isa.

Hindi na rin naman challenge sa kanila ang pagtatambal dahil pareho silang maga­ling umarte kaya sure kaming magpapakilig nang todo sina Barbie at Derrick sa pelikulang ito!

Kita rin sa mga behind the scene posts ng pelikula na nagi-enjoy ang dalawa sa shoo­ting, kaya naka-jackpot sila sa opportunity na mag-work and play.

Close na nga ang da­lawa kaya bongga rin ang harutan nila, ha! Balita pa naming ay hanggang ‪December 20 ang dalawa sa na­sabing bansa.

Kapuso stars magpapasiklab sa MMFF

Marami na ang excited sa Pasko dahil exci­ting din kasi ang mga nakalinyang pelikula sa taunang MMFF.

Iba’t ibang putahe ng pelikula ang mapapanood kaya talagang mas maraming chance na mag-bonding ang pamilya.

Pero bukod sa mga manonood, sabik na ang mga artista sa pag­labas ng kani-kanilang pelikula lalo na ang mga Kapuso stars na todo sa pag-promote ng kani-kanilang mga entry.

Si Jennylyn Mercado na nakagawa na ng pangalan sa rom-com ay nagbabalik nga­yong taon sa All of You at excited siya dahil may panibagong karakter na naman siyang ipapakilala sa movie goers.

Mapapanood din sina Ruru Madrid, Lharby Policarpio, at Andrea Torres sa Meant To Beh, na inaabangan kung anong papel nila sa pelikula dahil kakaibang atake sa isang family film daw ito.

Magkasama naman sa Deadma Walking ang My Korean Jagiya actor na si Edgar Allan Guzman at Celebrity Bluff host Eugene Domingo na balita namin ay magpapatawa at magpapaiyak nang sabay sa pelikula.

Hindi rin siyempre dapat palagpasin ang role ni Aicelle Santos sa musical film na Ang Larawan dahil ito ang una niyang pagpapakitang-gilas sa big screen.

Talagang kaabang-abang ang mga pelikula nila dahil it’s a variety for all!