Una sa Balita

Cherie, Kate ayaw paawat sa pananakit kay Mikee

0 686

abante-talbog-joe-barramedaPinag-uusapan gabi-gabi sa social media kung kailan matatapos ang pang-aapi sa karakter ni Mikee Quintos bilang si Maila sa “Onanay”. Nalaman na ng lahat ang katotohanan sa pagkatao ni Maila. At dahil hindi siya isang Montenegro, desidido si Helena (Cherie Gil) na tanggalan siya ng karapatan.

Naku, balita namin may pinaplano pa sina Natalie (Kate Valdez) at Helena laban kay Maila.

Wala kaming masabi sa husay na pagganap ni Onay aka Jo Berry bilang unanong ina ni Mikee Quintos. Kabago-bago, ang husay at parang beterana na sa pag-arte. Talbog lahat sila sa husay ng ­bulilit na ito. Napaka­galing at maraming pumupuri sa kanya.

‘Victor Magtanggol’ puwede nang laruin

Kakaiba talaga ang powers ni Victor Magtanggol. Pati ang mobile gaming world ay napasok niya na rin! Avai­lable na kasi nang libre ang official “Victor Magtanggol” game app para sa iOS at Android devices.

Ang “Victor Magtanggol” game app ay mula sa GMA New Media Inc. na nag-develop din ng official GMA Network app at Encantadia Blast na base sa hit series na “Encantadia”.

Tiyak mag-e-enjoy ang mga chikiting sa pagtakbo kasama si Victor at talunin ang mga balakid para mabuksan ang iba’t ibang trivia tungkol sa kanya at sa kanyang mundo. Kaya’t ‘wag magpahuli at i-download na ito sa App Store o Google Play.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy