Una sa Balita

Cherie, Jo, Mikee, Kate baklang-bakla ang tarayan sa ‘Onanay’

0 753

Ni Dondon Sermino

Marami ang nloloka sa kuwento ng Onanay, ha! Na ang dating mahirap na sina Onay (Jo Berry) at Maila (Mikee Quintos), heto at mayaman na, at naghihiganti kina Helena (Cherie Gil) at Nathalie (Kate Valdez).

Kaloka nga ang eksena sa isang event ni Cherie tungkol sa kanyang foundation, na biglang dumating ang taong nagbigay ng malaking donasyon sa kanya. At bongga, dahil si Onay nga ito, na kilala na ngayong bilang Lady Towerheart.

Naloka nga si Cherie na biglang sumulpot sa harap niya ang yayamanin na si Onay, na todo gown, at ma­raming bodyguard, ha!

“Maganda nga ang suot mo, pero duwende ka pa rin. I wonder kung saan mo ninakaw ang pera na dinonate mo sa foundation ko,” sabi ni Helena kay Onay.
Pero siyempre, hindi nagpakabog si Onay, na nagdayalog din na:

“You’re welcome Helena. May advice ako sa iyo, na huwag mo ipakita sa mga tao ang totoo mong kulay. Sige ka baka mahanap ka ni karma. Nasa pali­gid lang siya, sa likod ng kotse, sa parlor.

“Aminin mo Helena na ikaw ang nagpasunog sa bahay namin, nag-set up kay tiyong para makulong at hinayaan mong makidnap ang anak ko. Saka ko aaminin ‘yang mga bintang mo sa akin, ano game?”

Oh, di ba? Bonggang tarayan. Parang mga Sharon Cuneta, Cherie Gil tarayan sa mga pelikula noon, ha!

Pero siyempre, hindi rin nagpakabog sina Kate at Mikee sa tara­yan, ha! Dapat bongga rin ang palitan nila ng linyahan.

Nagkita naman sa party sina Kate at Mikee, at bongga nga ang huli, dahil pagkaganda-ganda niya, at mukhang mayaman.

Sabi ni Kate, sana ay bulag na lang talaga siya, para hindi na niya nakita ang pagmumukha ni Mikee, na trying hard maging queen.

“Nathalie ang puti para sa mga taong malinis, hindi sa mga naglilinis-linisan lang!” ganti naman ni Mikee.

Pero mas matindi ang sagot ni Kate, na sinabihan niyang kulang na lang ay buntot at sungay para mukhand devil na si Mikee, na giit pa niya, bigay ‘yon ng tatay na criminal ni Mikee.

Pero sa huli, iginiit ni Mikee na walang kunsensiya, walang puso si Kate, dahil hinayaan siyang makidnap nito.

“Kahit mas mahirap kami sa daga, hindi nawala ang dignidad ko!” sabi pa ni Mikee.

Pero hindi pa riyan natapos ang tarayan, dahil inilantad na talaga ni Onay ang tunay na pagkatao ni Helena, na nagbabaitan lang at walang puso sa mga dukha.

“Bravo Onay. You’re such a great actress!” sabi ni Helena, na muling ininsulto si Onay, na tinawag na tiny little freak.

“Now get out, the circus is over. Bumalik ka na sa kulungan mo!” hi­rit pa ni Helena kay Onay.

“Hindi pa ako tapos!” sabi ni Onay, at doon na nga tuluyang nalantad ang tunay na ugali ni Helena, dahil sinugod nito si Onay, at nasaksihan ng mara­ming tao ‘yon. At habang paalis sila ay bumagsak sa sahig si Helena.
“Ngayon mo sabihin sa akin Helena kung sino ang nasa ibaba, at kung sino ang nasa itaas!” dayalog ni Onay.

Ang taray, di ba? Kaloka!

Ganun din ang eksena kina Kate at Mikee, na sa huli, napahiya si Kate at wagi si Mikee. Anyway, mahaba pa at marami pang eksena na magaganap.
Na oo nga, habang tumatagal, patindi nang patindi ang mga eksena. Na ang dating api-apihan ay palaban na.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy