Una sa Balita

Cherie hindi kinaya ang pananakit kay Jo

0 754

abante-talbog-joe-barramedaMaipagmamalaki ng cast ng ‘Onanay’ ang kanilang puyat at pagod dahil wagi sa ra­tings ang pinakabagong handog ng GMA Telebabad sa viewers! Inabangan talaga ang pagdating ng karakter ni Cherie Gil sa serye, at mula nang magkaroon sila ng eksena ni Onay (Jo Berry) ay hindi na bumitaw ang mga manonood dito.

Kahit mismong si Cherie ay hindi kinaya ang eksena. “That was tough to watch,” pag-post niya pa sa Instagram.
Nabanggit na ng veteran contravida na maingat siya sa mga eksena dahil ayaw niyang masaktan si Jo, pero ibang sakit pala ang naramdaman niya nang mapanood ang eksena.

Nakakatuwang subay­bayan si Cherie sa kanyang Instagram posts dahil malayong-malayo sa intimidating character niya ang kanyang online presence. Benta ang mga post at nakakaaliw basahin.

Abante Hiring – IT dep

‘Magtanggol’ pulido ang effects

Kung pagiging pulido lang din naman ng mga effect ang pag-uusapan, hindi na pwedeng itanggi na ‘Victor Magtanggol’ talaga ang angat sa mga seryeng napapanood sa primetime ngayon. Bukod kasi sa mabusising anggulo ng mga eksena, tala­gang nakakabilib ang CGI ng serye ng Kapuso Network.

Maipagmamalaki ang ga­wang Pinoy at hindi binigo ni Direk Dominic Zapata ang mga manonood dahil tinupad niya ang pangakong papantay ito sa standard ng mga viewer ngayon.

Hindi basta-basta ang naging pagpapalit ng costume ni Alden mula pagiging Victor Magtanggol sa pagiging Hammerman. Naka-focus ang camera sa paglabas ng armor ni Hammerman, pati mga hibla ng tela na kumakapit sa katawan ni Victor, pinakita ng serye. Sa pagpapalit-anyo ng bida natin, siguradong iba’t ibang effect pa ang ipamamalas ng show.

Thea tanggap ang panlalait ng mga fan

Kilalang mahusay na aktres ang Kapuso star na si Thea Tolentino, at napatunayan na niya ito sa ilang beses niyang pagbibida at kon­trabida sa telebisyon.

Pero, hindi pa kontento si Thea sa pagiging aktres lang. Kasisimula lang niya sa pagiging isang host ng online show kung saan tampok ang ilang mga putaheng Pilipino, at ibinahagi niya ang bagong experience na ito.

Sa pag-iimbita sa kanyang mga follower na su­baybayan ang bago niyang hosting stint, hiningan niya ang mga ito ng suggestion at comment para matulungan siyang pagbutihin pa lalo ang hosting.

Dahil baguhan, handa si Thea na tumanggap ng opinyon mula sa kanyang mga viewer. Napabilib niya ang marami sa gesture niyang ito, dahil humble pa rin siya at hindi tumatanggi sa mga komento tungkol sa kanyang performance.

Kaya ‘di na malayong mahasa pa si Thea sa hosting, no! Tanggap niya ang panlalait sa kanya ng mga fan.

Balita namin meron siyang challenging role na gagampanan sa Kapuso Network, kaya inaabangan na ang magiging karakter niya rito. Isa kaya siyang bida o kontrabida?

Contessa patay na?

Suki na ng Cinemalaya si Glaiza de Castro dahil tiwala na sa kanya ang mga filmmaker na kaya niyang bigyan ng hustisya ang kahit ano mang role na ibigay sa kanya. Isa lang si Glaiza sa mga aktres na kayang tumawid mula small screen hanggang sa big screen dahil kayang-kaya niyang pukawin ang atensyon ng mga viewer sa kanyang mga emosyon.

Samantala, tuluyan na nga kayang mawawala ang karakter niyang si Con­tessa? Sa eksena kung saan nakita ni Perfida (Max Collins) ang pagkalaglag ni Contessa sa bangin, mitsa nito ang panibagong paghihiganti nila sa pamilya Imperial.  Saan na nga ba hahantong ang gantihan ng dalawang pamilyang ito?