Una sa Balita

Cherie, Glaiza, Dingdong, Liza, Tony, nanguna sa dasal para kay Eddie

0 399

abante-paistaran-dondon-serminoNaging emotional ang pagsisimula ng Nominees Night ng The Eddys (ng SPEEd) nung Sabado nang gabi sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Q.C.

Sa simula pa lang kasi ng programa ay nag-alay na ng dasal para kay Tito Eddie Garcia, na nagkataon na isa rin sa mga nominado, para sa pelikula niyang Rainbow’s Sunset.

Ang co-actor (lover niya sa pelikulang Rainbow’s Sunset) na si Mr. Tony Mabesa ang tumanggap ng certificate ni Tito Eddie sa gabing ‘yon.

Anyway, nanguna sa pagdarasal sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Dino-Seguerra, kasama sina Dingdong Dantes, Glaiza de Castro, Direk Joel Lamangan, Cherie Gil, at marami pang iba.

Tony Labrusca na-miss ang kakulitan ni Manoy

Dumating din si Tony Labrusca na isa sa mga nominado sa pagka-best supporting actor para sa pelikula niyang ML, na kung saan ay kasama nga niya si Tito Eddie Garcia.

Kuwento ni Tony, para raw tatay si Tito Eddie sa set ng ML. Si Tito Eddie nga raw ang nagsabi sa kanya, nagbigay ng tip, na para maging epektibo ang pag-arte mo, dapat ay ang mga mata mo ang gamitin mo na pang-communicate sa harap ng kamera.

Pero, aminado siyang nahirapan siya sa mga eksena nila ni Tito Eddie, dahil pinahirapan nga raw siya nito sa harap ng kamera. Si Eddie nga ay tinortyur nang husto si Tony sa kuwento ng pelikula.

Sabi pa ni Tony, tahimik lang sa shooting si Tito Eddie, pero may mga oras daw na nagiging makulit din ito.

Siyanga pala, dumalaw din sa ospital ang director nila sa ML.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy