Una sa Balita

Cherie Gil hindi nakakatakot na kontrabida

By
0 3,673

Muling pinatunayan ng multi-awarded make-up artist na si Fanny Serrano ang husay nito sa fantasy make-up dahil concept niya ang contravida look ni Cherie Gil sa Sirkus, ang fantasy series ng GMA 7 na mapapanood tuwing Linggo, simula sa January 21, 6:10 pm.

Malakas ang dating pero hindi katatakutan ng mga bata ang itsura ni Cherie sa Sirkus na inaabangan dahil sa nakakamangha na trailer nito.

Tiyak na magugustuhan ng mga bata at matatanda ang La Óra character ni Cherie at ang magical journey ng kambal na pahihirapan niya, sina Miko (Mikoy Morales) at Mia (Mikee Quintos).

Baguhang direktor hindi pinagmalupitan ni Cherie Gil

Si Zig Dulay ang direktor ng Sirkus at ito ang unang fantasy series project niya sa News and Public Affairs ng GMA Network Inc. Personal na pinasalamatan ni Zig si Cherie Gil dahil tinanggap nito ang contravida role sa Sirkus.

“Napag-usapan namin na siya talaga ang bagay para sa role na La Óra. Hindi talaga namin maisip kung sino pa ang puwede maliban sa kanya.

“Nu’ng mag-shoot kami, parang na-exceed pa niya ang expectations namin. Mas a lot better kesa kung ano ‘yung iniisip namin.

“Thank you din kay Miss Cherie dahil kahit baguhan ako sa fantaserye, tapos super stressful ‘yung shoot namin, hindi ko naman alam, inaaral ko lang everytime na sinu-shoot ‘yung eksena, hindi niya ipinaramdam na first time ko.

“Hindi niya ipinaramdam na hindi ko alam kung ano ‘yung ginagawa ko. Never ko po ‘yun na naramdaman,” ang nagpakatotoo na pag-amin ni Zig.

“Kailangan ko na laging ibaba ang sarili ko kasi baka lumaki ang ulo ko, hindi ko maiwasan,” ang dagdag na pahayag ni Zig tungkol sa kanyang madalas na pakiramdam na baguhan pa siya sa pinasok na propesyon.