Una sa Balita

Chel: Death penalty ‘di sagot sa krimen

By
0 484

IBALIK man ng pamahalaan ang pagpapataw ng death penalty sa mga kriminal, hindi ito magiging matagumpay kung patuloy pa ring makakalusot ang mga malalaking drug lord sa bansa.

Idiniin ito ng kandidato ng Otso Diretso na si Chel Diokno matapos imungkahi ng Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) ang muling pagpapataw ng death penalty para sugpuin ang malalaking supplier ng droga matapos makapasok muli ang P1.8 bilyong halaga ng ­shabu sa bansa.

“A million death penalty laws won’t make a difference if the drug lords can’t be caught and convicted. Titigil lang mga ‘yan ‘pag alam nilang makukulong sila,” ayon sa respetadong abogado.

Dagdag niya na hindi ang kalubhaan ng parusa ang solusyon para matigil ang mga krimen, kundi ang katiyakan na mapaparusahan ang mga kriminal, lalo na ang mga nagdadala ng droga sa lipunan.

Nauna na ring sinabi ni Chel sa isang senatorial forum na ang death penalty ay isang anti-poor na polisiya dahil ang nahahatulan lang ng death sentence ay ang mahihirap.

Kasama din ni Chel sa Otso Diretso sina Se­nator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at da­ting congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay, beteranong abogado na si Atty. Maca­Romy Macalintal, at da­ting ARMM assemblywo­man na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy