Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Checkpoint binomba, convoy ni Mangudadatu damay

0 159

NAITALA ang isang pagsabog sa isang army checkpoint sa Maguindanao Sabado ng gabi.

Sa ulat, nangyari ito ng alas-6:30 ng gabi sa bahagi ng national highway sa Barangay Macasampen sa Guindulungan town.
Sinabi ni Joint Task Force Central spokesperson Lieutenant Colonel John Paul Boldomar na naghagis ang mga suspek ng granada sa army detachment.

Nataon naman umanong dumadaan ang convoy ni Maguindanao Representative Esmael Mangudadatu nang mangyari ang pagsabog.

Wala namang naitalang sugatan o namatay sa insidente.

Inaalam pa ngayon kung ang pagpapasabog ay para kay Mangudadatu, sadyang inihagis sa army checkpoint o basta na lang nanggugulo ang mga salarin. (Kiko Cueto/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.