Una sa Balita

Cheater ba si partner?

By
0 1,105

Paano mo malalaman na cheater o manloloko pala ang iyong boyfriend sa kabila na siya ay sweet at mukha naman seryoso sa iyo at ramdam mo naman na nag-iisa ka lang sa puso niya.

May mga tips para malaman kung Ikaw ay niloloko ng iyong Bf.

# Sasabihin niya sa iyo na hindi pa siya handa sa isang mas malalim na relasyon.

# Inilalagay niya ang kanyang cellphone sa ‘airplane mode’ para ‘di mo makita ang mga pumapasok na text messages.

# Dinadala niya ang kanyang cellphone tuwing pupunta sa bathroom.

# Mas marami siyang kaibigan na babae kesa lalaki.

# Hindi niya ipina­kikilala sayo ang marami niyang kaibigan kahit pa malimit niya itong kasama at lagi siyang abala.

# Laging ‘low bat’ ang CP dahilan para hindi mo matawagan.

# Binibigyan ka naman ng sapat na atensiyon pero hindi sapat para makausad sa mas malalim pang relasyon.

# Laging may dahi­lan kung bakit hindi kayo puwedeng magkita at palaging hindi sigurado kung kelan matatapos ang kanyang trabaho.

# Hindi mo na siya mahagilap at tumatangging idagdag ka sa ‘Find my Friends’.

# Hindi mo makausap ng maayos at napakatagal ‘magtext back’.

# Sumasang-ayon naman sa mga plano minsan pero magba-back out kalaunan.

# Hindi makapag ‘commit’ sa iyo at sa iyong mga plano para sa hinaharap.

# Malimit mong mahuli na nagsisinunga­ling.

# Lahat ng kanyang sinusundan (follow) as Instagram ay mga sexy at mga half naked na babae.

# Napakaraming number sa kanyang CP na naka-save pero walang pangalan.

# Hindi ka ipinakikilala sa kanyang pamilya o kung makilala mo man ang kanyang nanay, sandali lamang ang atensiyon.

# May makikita kang nakakaalarmang text sa kanyang CP at ‘pag tiningnan mo ang kanyang CP ay kaagad na magagalit sa iyo.

# Kung kakausapin mo naman siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa yo, wala kang matatanggap na maayos na.

oppo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy