Una sa Balita

Chavit Singson tumakbong Narvacan mayor

By
0 1,101

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa huling araw ng paghahain ng kandidatura para sa pagka-alkalde si Narvacan, Ilocos Sur Councilor Luis ‘Chavit’ Singson para sa May 13, 2019 midterm elections.

Makaka-tandem ni Singson si Atty. Pablito Sanidad, Sr., bilang kanyang bise alkalde.

Nalaman na huling nagkasama sa politika ang dalawa noong taong 1971 kung saan tumakbo bilang go­vernor si Singson habang vice governor naman si Sanidad.

Ang dalawa ay tatakbo sa ilalim ng Bileg Party, isang local political party sa lalawigan.

Makakalaban ni Singson si dating mayor Edgardo Zaragoza sa ilalim naman ng PDP-Laban. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy