Una sa Balita

Chase Center dudungisan agad nina George, Leonard

0 232

BIBINYAGAN ng Golden State ang bago nilang arena na Chase Center laban sa dada­yong Los Angeles Clipper sa unang laro ng Warriors sa NBA 2019-20 season.

Sa ulat ni Mark Stein ng The New York Times, may road date agad ang bagong tandem ng Clippers na sina Kawhi Leonard at Paul George kina Steph Curry at Draymond Green.

“The first road date of the Kawhi Leonard Era in Clipperland looks like a doozy: Clippers at Warriors is tentatively scheduled as the first regular-season game at Chase Center in an @NBAonTNT broadcast Oct. 24, league sources say,” tweet ni Mark Stein ng The New York Times.

New arena ang Warriors, new look naman ang Clippers.

Maliban sa home opener, ang unang laro sa Chase Center din ang magiging first game ng season ng Golden State.

Sa naunang tentative schedule na lumabas, walang laro ang Warriors sa opening night sa Oct. 22.

Maliban kung isisi­ngit sa opening night, sa Oct. 24, sa bagong arena, uumpisahan ng five-time defending Western Conference champions ang kanilang season.

Mabigat ang unang giyerang sasabakan ng Warriors dahil nagpapagaling pa si Klay Thompson (torn ACL) at wala na sina Kevin Durant at Andre Iguodala. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy