Charo, Vilma, Piolo, Enrique, at Coco, wagi sa !

ABS-CBN, UMANI NG PARANGAL!


Nag-uwi ng anim na para­ngal ang ABS-CBN, Star ­Cinema, at Cinema One sa 19th Gawad Pasado Awards na pina­ngunahan ng Pampelikulang ­Samahan ng mga Dalubguro ­(PASADO) sa De La Salle University.

Hinirang na Pina­ka­pasadong ­Aktres sina Charo Santos-­Concio at Vilma ­Santos para sa Ang Babaeng Humayo at Everything About Her. 

Nagwagi naman sina Piolo Pascual at Enrique Gil bilang Pinakapasadong ­Aktor para sa Hele sa Hiwagang Hapis at Dukot.

Pinarangalan din si Primetime King Coco Martin ng dalawang awards kabilang na ang Pinakapasadong Aktor sa Teleserye at Pinakapasadong Simbolo sa Kagandahang Asal.

Bukod dito, ti­nanghal naman ang Cinema One ­Originals film na Ang Babaeng Humayo bilang isa sa Pinakapasadong Pelikula ng Taon.

Sina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo naman ang kinilalang Pinakapasadong Katuwang na ­Aktor para sa kanilang Pagganap sa The ­Unmarried Wife at The Third Party.

Ang child actor na si Simon “Onyok” Pineda ang kinilalang Pinakapasadong Likhang-Bata sa Pagganap para sa pelikulang The Super Parental Guardians at sa primetime TV series na FPJ’s Ang Probinsyano.

SHARE