Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Charo type bugbugin si Sylvia

0 195

Game na game si Sylvia Sanchez na magkontrabida kay Charo Santos sa teleserye, o sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN 2. At wala raw problema sa kanya kung matitinding sampal, pambabastos, pang-iinsulto ang gawin niya kay Charo.

“Game ako talaga. Kung pisikalan, okey sa akin. Pero siyempre, sasabihin ko muna sa kanya na ‘Sorry po.’ At siyempre, iingatan ko rin ang pananakit sa kanya,” sabi ni Sylvia.

Pero, biglang humirit si Charo, na parang mas bet niya na siya naman ang magkontrabida kay Sylvia.

“Parang mas maganda kung ako naman ang magkontrabida! Ako naman ang mananakit kay Sylvia,” nangingiting chika niya.

Well, why not? Parang mas exciting nga na makita si Charo na binubugbog, sinasaktan si Sylvia.

“Yes, kaya nga aktres, di ba? So, puwedeng gawin ang kahit na anong role,” nakangiting sey pa rin ni Charo.

Well, kaabang-abang yan, ha!

P-pop girl group na BINI ayaw patalbog sa K-pop

Pinagkaguluhan ng mga netizen ang bagong Pinoy Pop o ‘P-pop’ girl group na BINI matapos mag-viral ng kanilang unang live performance sa “It’s Showtime” na mayroon nang higit sa dalawang milyong view. Sa sobrang bilib ng iba sa kanilang performance, ikinumpara na nila ang grupo sa ibang K-pop group at pang-international daw ang level nito.

Ang BINI ay bagong grupo na nagmula sa Star Hunt Academy ng ABS-CBN at ang members nila ay teenagers na kinabibilangan nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena at sa salitang ‘Binibini’ pala nila nakuha ang kanilang pangalan.

In fairness, napanood namin ang performance nila ng pre-debut single nilang “Da Coconut Nut” at agree ako sa mga nagsasabing pang-international ang kanilang galing. Sabay-sabay kasi ang galaw nila at may charisma rin sila.

Sabi ni @juleyannn sa Twitter, “Okay so Philippines have this new girl group called ‘BINI’ and napanuod ko yung performance nila sa Showtime and me as a K-Poper, I must say na their synchronization is soooo good!!! Everyone should know and start stanning them, keep soaring high BINI!! I’m rooting for this.”

Kinumpara ni @CapeJasmineeee ang grupo sa sikat na K-pop group na TWICE at nagsabing, “Though they’re only eight, they’re giving me the Pinoy version of TWICE. The power they hold.”

Malaki talaga ang kanilang potential at nabalitaan pa nga namin na nag-training sila sa ilalim ng isang Korean training group kaya lumevel up talaga ang kanilang galing.

Eraserheads nakatatak sa puso ni Jamm Rea

Sino si Jamm Rea? Well, siya lang naman ay isang singer-songwriter and free-spirited musician distinguishable by her soulful and jazzy vocals.

Tulad ng kanyang greatest musical influence, ang Eraserheads, she aims to create timeless hits that would capture the hearts and minds of the audience. Buhay na buhay nga sa puso ni Jamm ang Eraserheads, kahit matagal na silang hindi nagkakasama-sama.

Nag-release nga siya ng single na “Parang Di Mo Alam”, na mabenta sa Spotify Philippines, and also working on her first EP soon to be released by her music label Curve Entertainment Inc.

With a love for OPM bands and global alternative indie-pop artists, Jamm Rea was inspired to pursue her musical ambitions. In 2014, she auditioned for The Voice Kids Season 1. She also submitted a song entry for Himig Handog 2017 entitled “Walang Katotohanan,” and auditioned for other singing competitions like Idol Philippines and Wishcovery Season 2. Her musical adventure continued with live gigs, opening for Moonstar88, performing at Sundown PH on PTV 4 and being a resident singer in the Feast Southmall Music Ministry and Good Sheperd Parish Choir. With all these blessings showered upon her, she never fails to bring back the glory to God.

She also has a Youtube channel full of covers and quirky videos that will truly exhibit her fun-loving and cheerful personality. And despite these, she still managed to be a consistent honor student at Centro Escolar University-Makati taking Dentistry.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.