Una sa Balita

CHARO AT LAV, NOMINADO SA ASIAN FILM FESTIVAL!

By
0 48

Nominado ang internationally-acclaimed direktor na si Lav Diaz at ABS-CBN chief content officer na si Charo Santos sa nalalapit na Asian Film Festival ngayong taon para sa kanilang pelikulang Ang Babaeng Humayo.

Si Lav ay nominado para sa Best Director kalaban sina Na Hong-jin (South Korea), Koji Fukada (Japan), Derek Tsang (China) at Feng Xiaogang (China), habang si Charo naman ay nominado bilang Best Actress kalaban sina Son Ye-Jin (South Korea), Fan Bingbing (China), Haru Kuroki (Japan) at Kara Wai (China).

Nominado rin ang Ang Babaeng Humayo para sa kategoryang Best Screenplay.

Taunang ­inihahandog ng Hong Kong International Film Festival Society ang Asian Film Awards upang makilala ang galing ng film professionals sa film industries ng Asian cinemas.

Naging makulay ang taong 2016 para sa Philippine cinema lalo pa’t napanalunan ng Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas-produced film ang ­Golden Lion award sa ika-73 na Venice Film Festival. ­Makasaysayan ito dahil ito ang pinaka-unang Filipino film na nagwagi sa tinaguriang pinakamatandang film festival sa mundo.

Ang ika-11 na Asian Film Awards ay magaganap sa March 21 sa Hong Kong Cultural Centre.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy