Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Charo ‘di nagpatalbog kay Coco sa bakbakan, barilan

0 279

Ang daming bumilib kay Charo Santos sa mga action scene niya sa Kapamilya serye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sanay na sanay nga raw humawak ng baril si Charo at kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mas tumitinding aksiyon, bakbakan sa serye. Isang Katipunera na nagngangalang Ramona ang karakter ni Charo at siya ang tumutulong kay Cardo (Coco) sa laban nito.

Kakaibang Charo naman talaga ang napapanood sa “FPJAP” dahil sanay tayong mapanood siya sa mga drama. Todo pasasalamat ang aktres sa oportunidad na sumabak naman sa paggawa ng mga action scene.

“Sino ang mag-aakalang after 45 years sa industriya ay mabibigyan pa ako ng pagkakataong makagawa ng action scenes. Maraming salamat for this opportunity #FPJsAngProbinsyano @dreamscapeph @cocomartin_ph,” sabi ni Charo.

“Salamat din po sa inyong pagtanggap at pagtangkilik kay Ramona. #CSCMyJourney #Grateful #NeverStopLearning,” post pa ni Charo sa Instagram.

Makikita rin sa kanyang post ang ilang behind the scenes footage kung saan kasama niya si Coco. Nagulat nga ang netizens na si Charo mismo ang humahawak ng baril at wala siyang stunt double para sa kanyang mga eksena.

“Galing! Inabangan ko talaga action scenes mo Ms. Charo. Grabe kinaya mo pa magtatakbo at barilan scenes. Pero siyempre yung acting superb talaga,” komento ni call_me_ers.

“Nakakagulat ang galing mo pala sa action Ma’am Charo,” post ni mairegienn.

Kaabang-abang pa lalo ang mga susunod na kaganapan sa serye matapos mapansin ng isang netizen na kasama ni Charo sa set si Nash Aguas.

“Hala si Nash Aguas nandiyan, ang batang Cardo. Ibig sabihin magkakilala si Ramona at Cardo dati pa, ano kaya ang relasyon nila sa isa’t isa? Kaabang-abang,” sey ni angthonysy.

Sunod-sunod nga ang pasabog ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at talaga namang tutok na tutok ang mga manonood dito. Halos gabi-gabing umaabot sa higit 200,000 viewers ang serye sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Napapanood din ito sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Donny, Belle yayanigin sa kilig ang Araneta

Inanunsyo noong Miyerkules (June 22) ng gabi na magkakaroon ng finale concert sa Agosto 27 (Sabado) ang “He’s Into Her” na nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Araneta.

Sa concert poster, nagsisimula sa  P200 (general admission) hanggang P3,000 (VVIP) ang presyo ng tickets.

Makakasama ng New Gen Phenomenal Love Team na DonBelle ang iba pang cast na sina Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Joao Constancia, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Criza Taa, at marami pang iba.

Sa ngayon, mas tumitindi pa ang eksena sa palabas lalo pa at binaligtad ng kanyang mga kasamahan si Boyet (Janus del Prado). Itinuturo na siya ang bumaril sa kuya ni Deib (Donny) na si Dale (Turs Daza).

Dahil nga sa sitwasyon, mas lumalabo na rin ang relasyon nina Deib at Max (Belle) dahil pinipilit ng binata na itinatago ng kanyang girlfriend ang kanyang tito.

May chance pa kayang magkaayos ang magkasintahan? Panoorin ang fresh episodes ng “HIH” sa iWantTFC simula Miyerkules. Samantala napapanood naman din siya tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, A2Z, at TFC IPTV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.