Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Charlie binangungot kay Markus

0 51

Ang cute ng behind-the-scenes footage ng pool scene nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Markus Paterson sa “Viral Scandal.”

Pinost ni Charlie sa Instagram ang mga video, kung saan makikita ang intense na komprontasyon ng mga karakter nila. Sa eksenang ‘yon, nahulog si Rica (Charlie) sa pool pagkatapos niyang pumiglas sa mga kamay ni Jigs (Markus) dahil ayaw niyang magpahawak dito.

To the rescue naman si Kyle (Joshua), na pinagtabuyan si Jigs at iniahon si Rica sa pool.

“Challenges when doing a pool scene: 1. Ang lamig. 2. Magpanggap na malalim ‘yung pool,” say ni Charlie.

“Nahirapan talaga ako sa number 2,” sabi naman ni Markus.

“Lagi ka na lang nahuhulog sa pool,” sey ni Direk Mae Cruz Alviar tungkol sa isa pang pool scene ng aktres kasama si Paulo Avelino sa pelikulang “Fan Girl.”

“Diba direk!!!! Isipin ko nalang na swerte ko ang pool,” sabi naman ni Charlie.

Samantala, walang balak tumigil si Jigs (Markus) sa pangha-harass kay Rica (Charlie) kahit pa umuusad na ang kasong anti-voyeurism case laban sa kanila ni Archie (Vans Larena).

Pagkatapos ng unang hearing, nagkatagpo sina Jigs at Rica sa clubhouse kung saan nakatakdang mag-present ang dalaga at si Kyle (Joshua) sa kanilang kliyente. Ngunit bago pa makarating si Rica sa presentation, hinarang siya ni Jigs at hinarass. Buti na lang nakita ni Kyle at agad na inilayo si Rica mula sa konsehal.

Dahil sa nangyari, nagsimulang bangungutin muli si Rica tungkol kay Jigs. Sa kanyang panaginip ay nakapasok si Jigs sa kanyang kwarto at pagtatangkaan siya muli. Ang hindi niya alam ay sinusundan pa rin siya ni Jigs at mukhang hindi pa natitigil ang obsesyon nito sa kanya. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.