Una sa Balita

Charlie Atong Ang panalo ng malaki sa sabong

By
0 805

Humataw sa panalo si Charlie Atong Ang sa derby sa Ynares cockpit sa Pasig kamakailan.

Ayon sa aking bubwit, kilala si Atong Ang na hindi lang basta mahilig kundi super hilig sa sabong at dahil sya’y bigtime businessman, parati syang present sa mga derby kalaban ang mga kagaya nya rin na bigtime tumaya.

Tumataginting na P12 million cash ang napanalunan ni Atong sa loob ng isang gabi at nilampaso nya ang mga kalaban na mahihilig din sa sabong na VIPs, mga politiko, at mga businessmen.

Ang haba ng su­werte ni Atong ang noong gabing yun dahil halos lahat ng kanyang entry ay nanalo maliban sa isa.

Kung lahat ng anim na entry ni Atong ang ay nanalo sya sana ang champion at dehamak na mas malaki sa P12M ang nabulsa nyang panalo. Pero nauwi ang kanyang score card na kulang ng isang panalo, 6 wins 1 loss.

Ayon sa aking Bubwit, malamang na nakatulong ng husto sa panalo ni Atong ang ang kanyang rah-rah girl o cheerer noong gabing yun na kilalang actress-model.

Tuwing mananalo ang manok ni Atong Ang ay tuwang-tuwa at nagtatalon sa saya si actress-model na talaga namang lucky charm ng tsinoy bigtime businessman.

Madalas kasama ni Atong ang si actress-model sa mga malakasang sabong pero minsan ay may mga pagkakataon din na medyo pinalalayo nya ito kapag malas sya o napagtatalo.

Hindi na rin bago sa intriga ang mag-jowa dahil kahit noon ay madalas na silang ma-blind item at may mga pagkakataon din na nabalita mismo.

Ang actress-model na nagtatatalon sa tuwa tuwing mananalo ang manok ni Atong ang ay walang iba kundi si Gretchen Barretto.