Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Charity token team sumaklolo sa mga batang may leukemia

0 39

Nagpaabot ng tulong ang Baby Lion flexible charity token noong Hul­yo 11 para sa medical assistance ni baby Bethany Hope Cervantes sa pag­laban nito sa Acute Myeloid Leukemia (AML).

Ang 2-anyos na leukemia fighter ang kauna-unahang natulungan ng Baby Lion sa kanilang charity drive gamit ang blockchain technology.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinasalamatan ng Baby Lion ang kanilang $BLN holders, volunteers, at Philippine partner upang maisagawa ang pagtulong sa pas­yente.

Patuloy ang pagkatok ng mga magulang ni baby Hope sa may mga mabu­buting loob para sa pinansiyal o medikal na suporta at blood donation (O+).

Sa mga nais tumulong para sa pagpapagamot at chemotherapy treatment ni baby Hope, maaaring bisitahin ang ‘Helping Hope’ Facebook page para sa karagdagang detalye. (Aliah Icatlo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.