Una sa Balita

Charity ride ni Delos Santos, Silang Riders Club sa Hunyo 30

0 229

NAKATAKDANG magsagawa ng charity ride, isang fund raising event, ang grupo ng mga nagmomotorsiklo – ang Silang Cavite Riders Club, kasama ang 62 iba pang individual riders para tulungan ang isang one and a half year old na batang si Kieser Hilario na may sakit na gastrotomy fungal sepsis.

Ayon sa presidente ng Silang, Cavite Riders Club na si Jotham Delos Santos, ang nasabing charity ride ay isasagawa sa Hunyo 30, Linggo, sa basketball court ng Barangay Munting Ilog sa Silang, Cavite.

“Kami po sa Silang Cavite Riders Club ay kumakatok sa inyong puso.

Iniimbitahan po namin kayo sa aming gaganaping charity event sa darating na Linggo,” ayon kay Delos Santos.

Ang batang si Kieser ay mayroong putol sa kanyang lalamunan kaya binutasan ang leeg para doonn huminga at diretso rin sa bituka ang kinakain niya.

“Nangangailangan po siya ng financial na tulong para sa kanyang operasyon at gamot, mga diapher at gatas,” panapos ni Delos Santos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy