Una sa Balita

Charice, gaya-gaya sa boses ni Aiza!

0 202

Mixed reactions mula sa entertainment press ang hinamig ng kauna-unahang theme song rendition ni Jake Zyrus (Charice Pempengco) para sa soundtrack ng lalabas na drama series ng ABSCBN 2, ang The Good Son, na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas, McCoy de Leon, pati na ng mga seasoned actors na sina Albert Martinez, Mylene Dizon, John Estrada, Eula Valdez at Ms. liza Lorena.

Si Jake nga ang kumanta ng theme song na I’ll Be There.

Ang pag-awit na ito ni Jake ang unang opisyal niyang pagbabalik bilang Kapamilya artist. Gaya nung unang paglabas ni Jake bilang isang trans-man, nawala na ang magic ng dating world-class voice nito.

Mababa na nga ang boses nito, na gaya ng isang nagbibinata. Kaya nanghihinayang talaga maging ang media sa bagong buhay na pinasok ni Jake bilang lalake, at ang pagbabago ng boses nito na hinangaan ng buong mundo at ng kilalang Hollywood stars na sina Oprah Winfrey, Ellen DeGeneres at ng singer-composer na si David Foster.

Iniintriga na nga ngayon si Jake na magiging mahigpit na katunggali ni Aiza Seguerra bilang acoustic trans-man singer. Halos nahahawig na nga kasi ang boses ni Jake kay Aiza, na kung hindi ka titingin sa video, aakalain mong iisa ang singer sa kanilang kinakanta.

Sinasabi sa mga comments na parang ginagaya ni Jake ang timbre ng boses ni Aiza sa pagkaka-awit nito ng theme ng The Good Son.

Anyways, simula pa lang ito ng panibagong haharaping challenges ni Jake, umaasa ang kanyang mga loyal fans na tanggapin pa rin ang kanilang idol ng madla at ng buong mundo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy