Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chard, Mond walang bonggang b-day celebration

0 224

Today ang birthday nina Richard at Raymond Gutierrez.

Si Chard (paboritong tawag sa Kapamilya actor), may simple celebration lang with his wife Sarah Lahbati kasama ng mga anak nila na sina Zion at Kai.

Happy na si Chard na maka-birthday bonding niya ang kanyang mag-iina bago siya bumalik sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ lock-in taping sa Ilocos Sur next week.

Si Mond (mas kilala na si Raymond sa tawag na ‘yon), magdi-dinner lang daw sa Los Angeles, California with some friends.

Actually, ka-text ko nga si Mond kahapon at ang sabi niya, baka may belated group dinner lang daw sila ng ilang mga kaibigan sa Yamashiro Hollywood dahil close rin siya sa executive chef ng lugar na ‘yon, si Chef Vallerie Castillo-Archer.

Noong una, ang plano sana ni Mond ay susunod kay Chard sa Geneva, Switzerland, pero dahil hindi na nga natuloy ‘yon, uuwi na lang sana ng ‘Pinas ang una, pero nabago rin ‘yon at doon na lang muna siya sa LA.

Happy Birthday, Chard and Mond! Enjoy!

Janine, Paulo ayaw umamin sa relasyon

Mamaya na ang finale ng ‘Marry Me, Marry You’ ABS-CBN romantic-comedy series nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Siyempre, tututukan ‘yon ng mga PauNine fan.

Kilig-kiligan lang sila sa tambalan nina Paulo at Janine sa series na ‘yon, pero siyempre, sad din daw sila at hindi na muna nila mapapanood ang magka-‘love team’.

Sana raw ay bigyan kaagad sila ng follow-up show ng Kapamilya Network.

Pangako naman ng mga PauNine fan na nasa Amerika, susuportahan nila ang ‘OA sa Love in the U.S.A.’ na US Concert Tour ni Ogie Alcasid kung saan special guests sina Paulo at Janine.

‘Katuwa nga ang ibang mga fan nila dahil kami ang kinukulit tungkol sa details ng nasabing concert tour.

Siyempre, ang isa pang kinukulit sa amin ng mga PauNine fan ay kung may lihim na bang relasyon ang dalawa? Naku, ano naman ang isasagot ko, eh, wala namang inaamin sina Paulo at Janine, huh!

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.