Una sa Balita

Chancetheracer bet ng mga liyamadista

0 289

INAASAHANG susuporta ang mga liyamadista kay Chancetheracer sa pagsalang sa Condition Race Merged Category 9 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite mamaya.

Maliliyamado pero, ayon sa mga ibang karerista, mapapalaban siya sa nasabing event na may distansyang 1,500 meter race.

“Lamang ng bahagya pero hindi nakasisiguro si Chancetheracer na mananalo siya dahil para sa akin may husay din ang kanyang kalaban na sina Victorious Colt at Full Stream,” saad ni Mike Velasco, isang beteranong karerista.

Umayon din ang mga karerista sa sinabi ni Velasco, dahil si Victorious Colt ay champion ng Triple Crown.

Bukod sa tatlong nabanggit na kabayo, ang ibang kasali ay sina Gomper Girl, Eugene Onegin, Goldsmith, Shoo In, Batang Annala at Sky Hook.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Rerenda kay Chancetheracer si class A rider Kelvin Aboob, si reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year O’Neal Cortez ang gagabay sa Full Stream habang si former PSA, JoY Jessie B. Guce ang sasakay sa Victorious Colt. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More